Experience is the Best Teacher… not at all times…
April 25, 2005
Dialog naming magkapatid nung high school pa lang ako (at grade school pa lang sya)
me: paano mo malalaman na mali kung d mo mararanasan
sis: e pano kung alam mo na ngang mali… gagawin mo pa din?
me: depende kung walang masasagasaang ibang tao…
—
Ganun ako… minsan kahit alam kong mali, ginagawa ko… AS LONG AS… wala akong nasasagasaang (nasasaktang) ibang tao…
may mga bagay bagay na ginagawa ng tao ang alam naman nilang masama pero sige pa din… halimbawa…
- smoking: bad for the health pero minsan sa iba nakaka relax ito… been there done that…
- drinking: bad for the health pero ewan ko ba kung anong kaligayahan naidudulot nito sa mga lasenggo… been there… occasionally…
- sex before marriage: bad pero masarap habang ginagawa… pag may nabuo pa… problema sa umpisa… pero hindi ibig sabihin nito e hindi dapat ipag patuloy ang pagbubuntis…
abortion is not a solution… ONLY IF siguro risky for both mom and the baby… like ectopic pregnancy… ibang usapan na yun… pero kung dahil lang sa sakim na rason kaya ito gagawin… it’s a no-no! Wether madami ka ng anak at d mo na kayang pangalagaan lahat o sabihing hindi ka handa… panindigan mo… ginawa mo e…
—
me: sa ano mang bagay na gagawin mo, masama o mabuti… isipin mo lagi na kung ang gagawin mo ba e makakasakit ng ibang tao (physically, emotionally…) at higit sa lahat… panindigan mo ang consequences and wag pagsisisihan kasi ikaw mismo ang nagdesisyon gawin yun… (kung pinilit ka… bakit ka nagpa pilit…) Learn from the experience…