[FAMILY BUILDING MONTH: ON ABORTION]
April 30, 2005
Balikan natin ang kwento ni Inday…
Papaano kung nalaman ni Inday na buntis sya sa kanyang ika-pitong anak. Tricycle driver ang trabaho ng kanyang asawa na swerte nang kumita ng P200 sa isang araw. Ang bunsong anak nya, wala pang isang taong gulang. Payat at panay may sakit ang kanyang mga anak dahil kulang ang kanilang pera para mabuhay ng matiwasay sa araw-araw…
Pumasok sa isip ni Inday, “Uminom kaya ako ng pampalaglag? Di na namin kaya ng isa pang anak?” “Kawawa naman ang batang ito kung bubuhayin ko pa dahil baka mamatay din lang ito dahil wala akong mapapakain.” “Di pa naman buhay ito, dugo pa lang ito, sana gumana ang pampalaglag.” “O kaya, uminom na lang kaya ako ng gin hanggang duguin ako?” “Ayoko na nitong batang ito, lalo lang nyang pahihirapan ang buhay ko!!!!”
**********
Sa kabilang banda, sa kwento ni Beverly…. 7 taon na silang kasal ng kanyang asawa. Hindi pa sila nabibiyayaan ng anak. Isang araw, pagkatapos mag home pregnancy test, tuwang-tuwang sinabi ni Bev sa asawang si David na sya ay nagdadalangtao.
Nang Sabadong iyon, pumunta sila sa doktor. Matapos ng napakaraming mga test, sinabi ng doktor na kung itutuloy ni Bev ang kanyang pagbubuntis, maaaring maging mapanganib sa kanyang kalusugan at sa kanyang buhay. Ganun kaaga, pinapapili na ng doktor si David kung ano ang mas gusto niya, ang magkaroon ng anak o magkaroon ng asawa. Hindi maaaring magkaroon pareho.
***********
Ikatlong kwento… si Mylene ay 40 anyos na. Tuwang-tuwang nalaman na sya ay buntis. Ngunit pagkatapos ng isang test sa ospital, nalaman na may down-syndrome ang kanyang anak. Sa bansa kung nasaan si Mylene, pinapayagan ang pag-abort sa sanggol kapag nalaman na ito ay may diperensya.
Ipagpatuloy kaya ni Mylene ang pagbubuntis.
************
Huling kwento. Si Kimberly, 14 na taong gulang. Nadiskubre ng kanyang Tiya Rosing na sya ay buntis at ang ama ng kanyang pinagbubuntis ay ang kanilang kapitbahay na si Tomas. Isang gabi, pagkauwi ni Tomas mula sa maghapong inuman, nakita nya si Kimberly at kanya itong hinalay. Ngayon hindi alam ng bata kung ano ang kanyang gagawin.
Papaanong mag-aalaga ng sanggol si Kim, kung sya mismo at isang bata pa rin? Walang amang mag-aaruga sa bata, at ang ina at kailangan pa rin ng pag-aaruga.
************
Iba’t ibang eksena ang hinaharap ng mga taong ito. Ngunit may isang tanong na lumilingid… itutuloy ba ang pagbubuntis na ito o dapat nang ipa-abort? Sa tingin ninyo, mga misis…..